Ang bigas na nagiging kanin ang pangkaraniwan pagkain na ating kailangan upang tayo ay mabusog,Binibigyan din tayo nito ng nutrisyon upang lumakas ang ating pangangatawan.Tayo mga Pilipino ay napakahilig sa kanin, kung kaya't kahit kanin lang ay sapat na para tayo ay mabusog.Ngunit napakalungkot isipin na marami sa atin ang hindi ang kahalagahan ang importansya nito.ALAM MO BA? kung paano nakakarating sa ating mga hapag ang bawat butil ng bigas na ating kinakain,kung mapapansin mo marami na rin ang hindi nakakaalam kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng mga magsasaka para lamang maitanim ito ng tama?
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng itsura ng isang pangkaraniwan na a din ng magsasaka.Makikita mo sa kayang itsura ang kahirapan na kanyang dinaranas, dahil ang mga magsasaka sa ating bansa ay hindi masyadong nabibigyan ng importansya.Ang ating mga magsasaka ay kasinghalaga din ng agrikultura,kung wala sila maaaring wala din agrikultura, sila ang pangunahing tao na nangangatawan sa agrikultura o pagsasaka.Marami din sa ating mga magsasaka na nag-aasam na mabigyan ng sariling lupa upang sakahan, dahil gusto din nila na ang bawat dugo't pawis na kanilang inaalay ay sila din ang makikinabang. Sa aking pananaw, marapat lamang na matugunan ang kagustuhan ng mga magsasaka natin dahil sila ang naghihirap upang mabigyan tayo ng ating makakain.
Ang larawan na ito ay ang epekto sa mga palayan ng "El Niño".Ano nga ba ang ang El Niño? ito ay isang panahon na sa sobrang init ay nanunuyot ang mga lupa, kaya't ang mga produkto din ay naapektuhan.Maaaring ito ay malanta o masira.Ito rin ang isa sa mga suliranin ng isang magsasaka,dahil dito di nila mabebenta ang mga produkto na kanilang pinaghirapan.
Ang Agrikultura ay isa sa mga importanteng bagay sa ating bansa,ito ay ang maaari makapagpaunlad ng ating ekonomiya.dahil sa agrikultura lumalago at sagana ang ating ekonomiya.Dahil sa maganda at maayos na paglago ng ating agrikultura,naanyaya ang mga taga ibang bansa upang mag angkat ng ating sariling produkto at mga hilaw na materyales,tayo ay nag eexport ng gawang pinoy sa ibang bansa.Na nakakatulong din naman upang tayu ay makilala at tangkilikin pa ang gawang pinoy dito at sa ibang bansa.Nakakatuwa hindi ba?Pero dapat balanse lamang ang produksyon upang hindi magkaroon ng problema.
Sana kayo ay nalinawan sa importansya ng agrikultura sa ating ekonomiya at para na rin sa tin. Sana ay palagi na natin iisipin ang kalagayan ng mga magsasaka bago tayo magsayang ng ating mga kakainin.
ok
ReplyDelete